3rd Istorya ng Pag-asa Film Festival nilunsad na

Inilunsad na ang pangatlong taon para sa Istorya ng Pag-asa Film Festival (INPFF) na pinangungunahan ni Vice President Leni Robredo.

Tumatanggap na ng mga entries. Ang deadline ng submission ay sa March 27, 2020.

Ang mananalong Best Film ay may P100,000 na premyo. P50,000 at P30,000 naman sa 1st at 2nd runner-up.

Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino. Professional at non-professional filmmakers, local at overseas-based Filipinos. Ang short films na gagawin ay limitado sa tatlo hanggang limang minuto.

Ipapalabas sa Ayala Malls ang Top 3 na mananalong film.

“It is our hope that through Istorya ng Pag-asa–Lalo na iyong INFF–Filipinos will be united around the common values of hope, of perseverance, deep faith, and the goodness of humanity. Kasi iyon talagang underlying theme ng bawat kuwento,” deklara ni VP Leni. (Roldan Castro)