Mga laro ngayon:
Smart Araneta Coliseum
4:30pm — NorthPort vs. Columbian
7:00pm — TNT vs. Phoenix
Tatangkain ni KJ McDaniels at TNT na makontak ang pangatlong sunod na panalo para akbayan ang 3-0 NLEX sa tuktok ng standings ng PBA Governors Cup.
Susundan naman ng Phoenix ang 103-101 win sa Ginebra nitong Sabado tapos ng 0-2 start sa season-ending tournament.
Magbubuno ang KaTropa at Fuel Masters sa second game mamayang alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Maganda ang suporta nina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario kay import McDaniels kaya magaang na naitawid ng TNT ang unang dalawang panalo – 135-107 kontra Blackwater at 103-91 laban sa Rain or Shine.
“We need to win as many as we can. Kailangan samantalahin namin, pahirap nang pahirap ‘yung games namin,” ani coach Bong Ravena. “We just have to keep improving.”
Pasabog ang NBA veteran na si McDaniels ng 37 points, 13 rebounds, limang assists at limang blocks kontra Elasto Painters noong Setyembre 28. Sampung puntos ang kinamada niya sa final 3 minutes para ilayo ang KaTropa. Sa kasipagan niya ay nahahawa ang teammates.
“We need McDaniels to be steady and consistent, and the locals will follow suit,” dagdag ni Ravena.
Panagupa ni coach Louie Alas sina Eugene Phelps, Matthew Wright, Justin Chua at RJ Jazul na pawang nagsumite ng 10 points pataas sa dramatikong panalo kontra Gins. (Vladi Eduarte)