3×3 aarangkada para sa Olympics

Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at PBA na makapagpadala ng 3×3 team sa Olympics.

“If not Tokyo (sa July), maybe 2024 in Paris,” giit ni SBP President Al Panlilio.

Dahil dito, ikinasa ng PBA at SBP ang 3×3 event sa liga na uumpisahan sa March.

Ang hinahanap na lang ay ang magiging tournament director.

“Through the recommendation of the vice chair (Bobby Rosales, Columbian Dyip), we decided to make it a stand-alone program, something like the D-League,” ani Board chairman Ricky Vargas ng TNT sa pagtatapos ng planning session sa Rosa Grand Milano sa Milan nitong Biyernes.

“It will be run by an executive director under the supervision of the PBA commissioner.”

Sa huling apat na taon ay all-out ang suporta ng PBA sa SBP. Ang all-pro team nina CJ Perez, Jason Perkins, Mo Tautuaa at Chris Newsome ang sumikwat ng gold sa nakaraang SEA Games 3×3 event.

Tinanguan din ng PBA board ang panukalang ipahiram ang apat para i-reinforce ang pool ni coach Ronnie Magsanoc na naghahanda sa Olympic qualifier sa Tokyo.

Tampok sa PBA 3×3 ang 12 prangkisa at ang posibleng partisipasyon ng non-PBA entities.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, nagpahayag na ng intensiyon na sumali ng Mighty Sports at Dunkin’ Donuts. (Vladi Eduarte)