Umabot sa may 4,133,050 turista ang bumisita sa bansa noong Enero hanggang Hunyo,2019.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang naturang bilang at mas mataas ng 11.43% noong nakalipas na taon.
Nabatid sa DOT na may tinatayang aabot sa 643,780 turista ang bumisita nitong Hunyo na 21.41% mas mataas kumpara sa 530,267 moing nakalipas na taon.
Ayon sa DOT, nanatili na ang Korean nationals ang pinakamaraming bumisita, sinundan ng China, United States, Japan at Taiwan.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na sa nakalipas na pitong taon ang apat na milyong turista ay sa buong taon na.
“The Philippine tourism industry has indeed come a long way with better and increased connectivity. New, rehabilitated and expanded airports have contributed much to this growth,” ayon kay Puyat.
“By expanding our portfolio of tourism products and by developing and promoting our lesser-known but emerging destinations, we have attracted a large yet diverse set of foreign travelers and have sustained our growth in the highly-competitive South East Asian region,” dagdag pa ni Puyat.
Nabatid na target ng DOT ang may 8.2 milyon turista na papasok sa bansa ngayon 2019 na isang milyon na mataas kumpara noong 2018.
Samantala, ikinasiya ng DOT ang ginawang pag-alis ng US Homeland Security sa kanilang public notice on travel sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang desisyon ng US Homeland ay ginawa dahil sa malaking pagbabago sa airports security operations. (Juliet de Loza-Cudia)