4 arestado sa sugal

arrested

Sinimulan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagtutugis sa mga nasasangkot sa iligal na su­gal bunsod ng kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na “all out war” laban sa iligal na pagsusugal.

Dahil dito, magkahiwalay na inaresto ang apat na kalalakihan na naaktuhan na naglalaro ng cara y cruz sa bahagi ng Lungsod ng Pasay sa isiniga­wang pagpapatrulya ng mga tauhan ng Pasay City Police sa pangunguna nina PO2 Dennis Tan at SPO1 Esmeraldo Cruz.

Nahuling nagsusu­gal sina Jessie Lachica, 42, pedicab driver, Nicanor Florida, 53, pedicab driver, Robertos Santos, 47, par­king attendant at Restituto Balagtas, 42, walang trabaho na pawang mga naninirahan sa Barangay 43, Zone 6 ng nasabing lungsod.

Unang nadakip sina Lachica at Florida sa Tramo St. sa nasabing barangay dakong alas-8:30 ng gabi habang nasa kalagitnaan ng pustahan ng kanilang pagsusugal na cara y cruz.

Nakumpiska sa dalawa ang P1 na pamato at P61 na kanilang pusta.

Bandang alas-10:30 ng gabi naman sa kahabaan ng Estrella St. corner Joc­kian St., Barangay 14 nang mahuli sina Santos at Balagtas na naglalaro din ng nasabing sugal.

Nakumpiska sa mga ito ang P151 na pusta.