Huli sa aktong humihithit ng hinihinalang shabu ang apat na beki na hair dresser sa loob ng salon sa Rosario, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Rosario Custodial Center ang mga suspek na sina Christopher Cupino alias Boyet, 40, binata; Oscar Quito alias Osang, 43, binata; Adrian Ocampo alias Arian, 40, at Marvin Alagos alias Jackie, 25 pawang taga-Cavite at hair dresser ng RTL Salon sa Brgy. Tejeros, Convention, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Elezer Tagalog, ng Rosario Municipal Police Station, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng mga elemento ng Rosario police hinggil sa umano’y grupo na nagpa-pot session sa loob ng RTL Salon sa Bgry. Tejeros, Convention, Rosario, Cavite.

Dahil dito agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga ele­mento ng Station Drug Enforcement Unit at nang pasukin ang salon ay naaktuhan ang apat na humihithit ng hinihinalang shabu dakong alas-9:30 kamakalawa nang gabi.

Narekober sa loob ang 2 sachet ng hinihinalang shabu, aluminum foil at disposable lighter.

Nabatid na si Cupino ay nasa listahan na mga user sa pulisya habang ang tatlo ay nasa listahan naman ng Newly Identified na mga drug personality.