4-day work week pag-aaralan ng Malacañang

Pag-aaralan ng Ma­lacañang ang rekomendasyon at inputs ng lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno kaugnay sa mungkahing 4-day work week para sa non-frontline offices ng pamahalaan.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Congressman Bienvenido Abante Jr. na ipatupad ang 4-day work week sa mga ahensiya ng gobyerno na walang kinalaman sa pagresponde sa emergency situations, at hindi direktang nagbibigay ng serbisyo publiko.

Kasama rin sa mungkahi ng kongresista ang mga nasa pribadong sektor bilang isang paraan para mabawasan kahit papaano ang traffic sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hihinta­yin ng Palasyo ang rekomendasyon ng mga pangunahing ahensiya kabilang na ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil malaking factor ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ang Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) aniya ang dapat na tumutok sa mungkahi ng mambabatas dahil may kinakaman ito sa pagpapaagan sa problema sa trapiko kaya’t hihintayin nila ang magiging rekomendasyon. (Aileen Taliping)