Nadakip kahapon ng hapon ang apat na lalaki kabilang ang 2 menor de edad, matapos na ireklamo­ ang mga ito ng isang 15-a­nyos na dalagita na biktima ng gang-rape noong Lunes sa Tondo, Maynila.

Pinaniniwalaang naka­­inuman ng mga suspek ang biktima na itinago­ sa pa­ngalang ‘Jamie’­, estud­yante, at residente ng Sangan­daan, Calooca­n City.

Nakadetine sa Manila Police District-Station 1 ang mga suspek na sina Mark Joseph Acosta­ alyas ‘Cheeza Boy’ at ‘Mike’, 28; Aljun Gald Y Casimiro­ alyas ‘Aljun’, 21 at dalawang binatilyo na may edad 15 at 16, pawang residente­ ng Gagalangin, Tondo, Maynila.

Tinutugis pa ang isa pang suspek na kinilalang si Sainal Tabay alyas ‘Zenki’­, nasa hustong edad at residente ng Tirs­o Cruz St., Gagalangin.

Sa reklamo ng biktima, naganap ang panghahalay dakong alas-una ng madaling-­araw sa isang bahay sa Bato St., sakop ng Barangay 176, Zone 15, Gagalangin, Tondo.

Nabatid na isa-isa umanong pinagsamantalahan ng mga suspek ang biktima nang malasing ang dalagita.