4 drug personalities napatay sa N. Ecija

GUIMBA, Nueva Ecija — Apat na hinihinalang mga drug personalities ang napatay sa engkwentro ng mga pulis noong Linggo ng hatinggabi sa Brgy. San Roque sa bayang ito.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga napaslang ay ang magkapatid na Rommel at Dodie Gagarin Fermin, Freddie Ramirez Villanueva at isang alyas ‘Mateo’.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang maka-engkwentro ng mga awtoridad sa pamumuno ni P/Chief Insp. Alexander Aurelio ang mga armadong suspek na naka-motor sa Brgy. Tampac 1 na nagresulta sa kamatayan ng mga ito.

Narekober sa insidente ang 29 basyo ng bala ng kalibre .38, granada at apat na sachet ng shabu at mga paraphernalia.