4 empleyado ng National Center for Mental Health positibo sa COVID-19

Nagpositibo ang apat na empleyado ng National Center for Mental Health (NCMH) sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi pa malinaw kung ang mga naitalang nagpositibo sa NCMH ay bahagi ng may 1,075 na nagpositibo sa virus hanggang kahapon ng alas 4 ng hapon.

Nabatid na di pa rin alam kung saan nakuha ng mga NCHM worker ang virus.

Nalaman na isa sa apat ang pinauwi para mag home quarantine habang ang tatlo ay ini admit sa ibang institusyon.

Ang NCMH ay may tanggapan sa Mandaluyong na mayroon nang 147 persons under investigation (PUI).

Sa nabanggit na bilang 134 ang empleyado na naka- home quarantine habang ang 13 psychiatric patients ay naka -admit sa Pavilion 7.

Isa umanong PUI ay isang non-psychiatric dialysis patient na nasawi na pero hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Ang NCHM ay isang special research training center at hospital na lisensiyado ng Department of Health (DOH) at accredited ng PhilHealth na may kapaaidad na 4,200 in patient bukod sa average na 56,000 outpatient kada taon.