4 jihadist natimbog sa Cotabato

Nadakip kahapon ng militar ang 4 na umano’y miyembro ng isang jihadist group matapos na lusubin ang kanilang taguan sa Cotabato City.

Miyembro ng grupo ni Abdullah Maute ang mga nadakip at nabawi sa kanilang taguan ang mga iba’t ibang armas, bala at improvised explosives.

Hindi sinabi ng pulisya kung paanong natunton ang mga suspek pero posibleng galing ito sa grupo ni TJ Macabalang, ang itinuturong bomber sa Davao City.

Dinakip si Macabalang kasama ang amang si Teng Macabalang at Wendel Pactuan at isa pang suspek sa naturang atake. Miyembro rin sila ng Maute group na sumumpa sa Islamic State.