Inaresto ang apat katao matapos makum­piskahan ng may P20 ­milyong ­halaga ng shabu nitong Martes ng gabi sa Barangay Impalutao, ­Impasu­­g-ong, Bukidnon.

Bukod sa iligal na droga ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng kalibre 45 pistol, mga bala, P1,450 cash, tablet at cellphones mula sa mga dinakip na suspek na sina Nahar Apam, Sohud Salik, Tho Tha at Johari Akmad na pawang taga-Mindanao.

Napag-alamang pinara at sinita ng mga tauhan ng Highway Patrol Group 10 Regional Chief Sr. Supt. Gabriel Lopez ang gray Toyota corolla na may plakang UCO-308 at tumambad ang mga shabu at inaresto ang mga sakay nito.

Inihahanda na ang kasong carnapping, ­paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions na ­isasampa laban sa mga suspek.