Binistay ng bala ang apat kataong may kina­laman umano sa iligal na droga sa magkakahiway na insidente sa Pasay, Parañaque at Muntinlupa City na iniulat kahapon.

Sa isinumiteng report ni Southern Police District (SPD) Directo­r Senior Supt. Tomas Apolinario kinilala ang mga nasawi na sina Jomari­ Manahan, 18, ng Angono,­ Rizal, kilabot na miyembro­ ng Akya-Bahay gang at Renz Noble, 25, ng Apelo Cruz St., Malibay, Pasay City na binawian ng buhay matapos pagbabarilin ng mga salarin gamit ang kalibre .45 at 9mm.

Samantala, alas-3:30 naman ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Noble ng ilang bystanders sa Roxas­ Boulevard sa likod ng PNB Building, Brgy. 76, Zone 10, Pasay City matapos itong pagbabarilin ng hindi­ pa kilalang kala­lakihan.

Si Ferdinand Faraon, 42, nakatira sa no.792 Purok 6, Brgy. Sucat­ sa Muntinlupa City ay pinagbabaril bandang alas-4:50 ng madaling-­araw ng dalawang kalala­kihang naka-jacket at bonnet sa naturang lugar habang alas-2:15 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa bakanteng lote ng North bound lane ng Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakabalot ng packaging tape ng Parañaque City Police.

Ayon kay Apolinario, masusi pa nilang iniim­bestigahan ang sunud-­sunod na pamamaril sa tatlong lungsod na hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga.