Kapwa hindi nag­pahuli nang buhay ang umano’y apat na kalalakihang sangkot sa illegal drugs dahil pawang lumaban sa mga awtoridad na nagsasagawa ng anti-illegal drug operation sa Quezon City at Mandalu­yong City.

Sa report ng Quezon City Police District-Crimi­nal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang mga suspek na sina Christopher Paudac, alyas ‘Tupe’, nasa hustong gulang ng 117 AFP Road, at isang ‘Baw Omes’ ng Fort del Pilar St., mga residente ng Barangay Holy Spirit sa lungsod.

Ayon kay PO2 Jogen Hernandez, nangyari ang insidente dakong alas-kuwatro kamakalawa ng hapon sa AFP Road sa Brgy. Holy Spirit nang makaengkwentro ng mga suspek ang tropa ng Station Anti-Illigal Drug-Special Operation Task Group (SAID-SOTG).

Habang nagsasagawa umano ng buy-bust operations ang mga operatiba ng SAID-SOTG laban sa mga suspek at nasa akto ng transaksyon ay nakatunog ang mga suspek sa operatiba sa paligid kaya’t agad bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad  bago tumakas.

Hinabol ito ang mga ito at nakorner si Paudac na nagtago comfort room sa kanyang bahay. Sa kabila ng pakiusap na sumuko, mas ginusto ni Paudac na makipagbarilan kaya’t ginantihan ito ng mga pulis na kanyang ikinamatay.

Naispatan din ang tumakas na kasama nitong si Omnes ngunit lumaban din ito ng barilan sa mga pulis na kanyang ikinasawi.

Dalawa pa ang nasawi at tatlo ang nadakip na umano’y mga tulak ng iligal na droga sa drug bust opera­tion ng Mandaluyong City Police kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente ang suspek na si Jerry Gonzalez, 30 dahil sa pitong tama bala sa katawan, habang hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong Medical Center si Joselito Aldon alyas ‘Pepe Smith’ 53, mga residente ng Block 37, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City na nasapol ng tatlong bala.

Nakilala naman ang tatlo nadakip ay sina Manuel Rosagaron 31, Alan Calimlim, 30 at RJ Corpuz, 29 habang nakatakas si Dexter Corpuz, alyas Bomok.

Sa imbestigasyon, dakong alas-dos ng hapon nang magsagawa ng drug operation ang puwersa ng Eastern Police District (EPD) at Mandaluyong Police sa lungga ng mga suspect ngunit nanlaban umano ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.