Patay ang apat na matatandang magkakapatid matapos matupok ng apoy ang dalawang bahay sa Camiguin Miyerkoles nang umaga.
Kinilala ng Bureau of Fire and Protection-10 (BFP-10), ang mga nasawi na sina Angelita Lao, 74; Tomasita Lao, 70; James Lao, 65; at Vergelio Lao, 64.
Nagsimula ang sunod alas-3:25 nang umaga at naapula alas-7:20 nang umaga. Sabi BFP-10, P1 milyon ang pinsala ng sunog.
Ayon kay Fire Officer 3 Sergio Virtudaso, ng Mahinog Fire Station, magkasamang nakatira sina Angelita at Tomasita sa kanilang ancestral house at dumalaw ng oras na yon sina James at Vergelio.
Bukod kina Angelita at Tomasita, nakatira din sa bahay si Lorna Jaquilmac, 65, retiradong governtment employee at dalawang anak nito na nakaligtas naman sa insidente.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay at mabilis kumalat dahil gawa ito sa mga kahoy. Ginawa ang bahay noong 1918. (PNA)