4 na bagong tourist spot dineklara ni Duterte

Apat na na bagong sa Luzon ang idineklarang tourist destinations matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na batas.

Kabilang sa mga bagong tourist destinations ang Mount Bulaylay sa Cuyapo, Nueva Ecija; Candon City Ecotourism Zone sa Ilocos Sur; Santiago Cove sa Santiago, Ilocos Sur at Pinsal Falls sa Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ang apat na nabanggit na mga lugar ay magi­ging bahagi ng turismo alinsunod sa Republic Act nos. 11406, 11407, 11408 at 11409 na pinirma­han ni Pangulong Duterte noong Agosto 22.

Sa ilalim ng mga bagong batas, inaatasan ang Department of Tourism (DOT) at local government units na gumawa ng tourism development plan kasama na rito ang pagtatayo ng mga pasilidad sa loob ng isang taon para makahikayat ng mga turista.

Kailangan ding isama sa development plan ang pangangalaga sa tourist spots alinsunod sa Nationa­l Ecotourism Strategy. (Aileen Taliping)