Hindi huhulihin ang mga motoristang dadaan­ sa apat na pangunahing lansangan ng Parañaque City patungong Ninoy Aquino­ International Airport (NAIA­) sa oras na ipa­tupad ang number codin­g scheme sa lungsod sa dara­ting na Sabado (Oktubre 1).

Nilinaw kahapon ni Mar Jimenez, hepe ng Public Information Office­ (PIO) ng Parañaque City na hindi sisitahin o titiketan­ ang mga pribadong motorista na dadaa­n sa Macapagal Avenue, Roxas Boulevard, Airport Road at MIA Road, pawan­g mga daan patu­ngong paliparan na nasa hurisdiksiyon ng lungsod.

Ipinauubaya ng pamahalaang lokal sa traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) ang panghuhuli sa mga lalabag sa number coding paglagpas sa mga nasabing lansangan.

Ipapatupad din ang window hour sa number coding scheme ng lungsod simula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon para sa pribadong sasakyan.

Samantalang wala­ ani­yang ibibigay na exem­ption sa mga truck kapag ipinatupad ang number coding scheme kung saan bawal dumaan ang mga ito mula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga at alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.