Apat na drug pusher ang napatay makaraang kumasa sa awtoridad habang siyam na iba pa ang nakorner sa isinagawang apat na buy-bust operation sa Bulacan kamakalawa.
Bandang alas-9:20 ng gabi nang mapatay ng Bocaue PNP ang suspek na si Julius Yap y Illustricimo alias ‘Napo’, 24, ng Brgy. Batia, Bocaue matapos manlaban; makaraan ang labing-limang minuto ay tumumba din sa awtoridad si Geraldo Clarin, 48, sewer ng Brgy. Pagala, Baliwag; pasado alas-11:00 ng gabi nang mapatay si alias ‘Tani Boy’ sa Brgy. Catmon, Sta. Maria at huling naitumba si Jerome Corpin alias ‘Esto’ sa Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao.
Nadakip din ang siyam na suspek na pawang nahaharap ngayon sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs.