Apat na Filipino ang nasawi sa isang aksidente sa Abu Dhabi sa kalagitnaan ng Visita Iglesia noong Biyernes Santo.
Nakilala ang mga nasawi na sina Veronica Dulay, Daniel Paulo Paraiso, Ian Elli at Marvin Mendoza.
Naka-confine naman sa ospital sa Abu Dhabi ang dalawang kasamahan ng apat na biktima na sina Ana Paula Paraiso at Mary Ann Mendoza.
Sa inisyal na ulat, sumabog umano ang ulong ng sasakyan ng magkakaibigan habang sila ay bimibiyahe sa Al Shahama noong Biyernes ng umaga.
Bumaba ang driver na si Dulay kasama sina Daniel, Marvin at Ian Elli para i-check ang sasakyan nang bigla silang salpukin ng isang humaharurot na sasakyan.
Dinala sa morgue ng Khalifa Hospital ang mga labi ng apat na Pinoy.
Hindi bumaba ng sasakyan ang dalawang kasamahan ng apat na nasawi, pero nagtamo pa rin sila ng mga bali at sugat sa katawan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.
Nakipag-ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas at Konsulado ng Pilipinas sa Dubai at ilang organisasyon ng mga Filipino sa United Arab Emirates para maiparating sa mga kaanak ng mga biktima ang trahedya.