Apat na kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagpositibo sa isinagawang drug test bilang parte ng internal cleansing ng nasabing himpilan ng pulisya.

Ito ang sinabi ni acting QCPD Director, Police Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kung saan nabigo ang apat sa isinagawang confirmatory test ng kanilang mga urine specimen matapos lumabas sa resulta na may presensya ito ng methamphetamine o shabu.

Kinilala ang apat na mga pulis na sina PO2 Marlou T. Baradi nakatalaga sa District Public Safety Batallion (DPSB), PO2 Cornelio M Sarmiento (Anonas Police Station), PO1 John Santos (Batasan Police Station) at PO1 Porferio Sarigumba (Talipapa Police Station).

Sa kasalukuyan, ang apat na mga pulis ay inilagay muna sa restrictive custody sa ilalim ng District Headquarters Support Unit sa loob ng QCPD Headquarters sa Camp Karingal at dinisarmahan.

Gayunman, maari pang i-contest ng apat ang resulta at maghanap ng isang third party drug test.

One Response