Kusang nagtungo sa pulisya ang apat na lalaki na ilang beses na nakunan sa CCTV at itinuturong posibleng nasa likod ng kambal na pagpapasabog sa loob at labas ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo na ikinasawi ng 21 katao at ikinasugat ng halos 100 iba pa.

 

Ayon kay Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng Joint Task Force Sulu, nagtungo sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sina Ishaber Arbi, 18, Grade 11 student; Gerry Isnajil, 24, guro sa Kalinangan National High School; Alsimar Mahamud ng Brgy. Busbus at Julius Abdulzam ng Brgy. Takut-Takut

 

Dala pa ng mga pinaghinalaang suspek ang suot nitong damit nang makunan ng CCTV sa araw ng pagsabog. Pawang tinanggi ng mga sumuko ang kanilang kaugnayan sa nangyari.

 

Paliwanag ng dalawa sa kanila ay nag-withdraw lamang sila sa ATM at kumain malapit sa simbahan, habang ang dalawa pa ay namimili naman sa palengke.

 

Sa ngayon ay bineberipika pa ang paha­yag ng mga lumantad na suspek.