Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — EAC vs. Mapua (jrs)
11:45 a.m. — JRU vs. San Sebastian (jrs)
2:00 p.m. — JRU vs. San Sebastian (srs)
4:00 p.m. — Letran vs. EAC (srs)

Siyam na talo sa 10 laro muna ang nalasap ng San Sebastian College Stags bago bumanat ng apat na sunod na panalo sa Season 92 ng NCAA men’s basketball tournament.

Kaya kahit wala ng pag-asa ang Stags sa Final Four ay masaya na rin si coach Egay Macaraya sa ipinakita ng kanyang mga players.

“We had the misfortune of seeing some of our top players getting injured at the start of the season,” ani Macaraya, “But we’re happy we made a big leap in the second round, which we could bring into the next season.”

Makakatapat ng 7-10 Stags ang talsik na ring JRU Heavy Bombers mamaya sa The Arena sa San Juan.

Nasa pang-limang puwesto ang Heavy Bombers tangan ang 9-8 baraha, kahit manalo sila ay hindi na rin sila aabot sa Mapua Cardinals at Perpetual Altas na magkasalo sa third sa 11-6 records.

Magkakaldagan naman sa main game ang titleholder Letran Knights at EAC.

Sibak na rin ang Knights (8-9) at Generals (6-11) sa F4.

Magbabangon-puri na lang ang apat para paghandaan ang susunod na season.

“This is still a young team and we are looking forward to adding a few more players to fill in for things that we’re missing this year,” sabi ni Letran coach Jeff Napa.

Maganda naman ang hinaharap ng EAC sa susunod na season, ayon kay head coach Ariel Sison.

“Remy Morad and Igee King are on their last year so we have an almost intact line up next season,” ani Sison, nasa poder pa rin sina team captain Francis Munsa­yac, Sidney Onwubere at Cameroonian Hamadou Laminou sa 93rd season.