Apat na tulak ng iligal na droga ang napaslang ng PNP-Bulacan sa drug buy-bust operation sa tatlong bayan sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., ang mga napaslang na tulak na sina Erick Hilario y Ma­ningas alyas Hudas ng Brgy. Matictic, Norzagaray; Jericho Tolentino alyas Boy Pingas ng Brgy. San Jose, Hagonoy; Rey Tilimban y del Rosario, ng Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue at kasama nitong nakilala lamang sa alyas Botchoy.

Bandangalas-3:05 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang Norzagaray-PNP sa pa­ngunguna ni P/Supt. Rizalino Andaya, laban sa tulak na si Hilario, sumuko ngunit tinangka nitong tumakas at pinaputok ang kanyang improvised shotgun sa awtoridad at matapos ang maikling habulan ay nakorner ito at napaslang at makuhanan ng shotgun at apat na pakete ng shabu.

Dakong alas-9:10 naman ng gabi ang operasyon ng Hagonoy police sa pangunguna ni P/Supt. Henryl Bruno, laban sa suspek na si Tolentino. Sa kasagsagan ng transaksyon ay nahalata ng suspek na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ng baril at kumasa ng pa­litan ng putok hanggang masawi.

Pasado alas-10:00 ng gabi naman ng kumasa sa puwersa ni P/Supt. Charlie Cabradilla ang dalawang tulak na sina Tilimban at alyas Botchoy sa operasyon sa Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue dahilan ng pagkamatay.