Muling nagpatikim si Pangulong Rodrigo Duterte ng nilalaman ng kanyang ikatlo at final narco-list kung saan ay 40 na judge at halos isang pahina ng mga Chinese national ang nilalaman.
Ang rebelasyon ay ginawa kahapon ni Pangulong Duterte nang magtalumpati sa harapan ng mga miyembro ng Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur.
“Ang kaibigan natin Chinese, there’s one page here… judges there are about 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 … 40, distributed all around. Dito naman Hu Juju, Kon Pu Chung, Pu Cheng Jang, Wang Jang Din, Wang Jang Pin, Wang Shing Shu…Diana Lagman ng Pampanga,” patikim ni Pangulong Duterte.
Kasabay ng inisyal na pag-anunsyo ng mga nasa kanyang narco-list ay nanawagan ang Pangulo sa mga miyembro ng AFP na tumulong sa problema sa iligal na droga.
Binanggit pa nito na kung ano man ang mangyari ay hindi dapat matigil ang sinimulan niyang giyera laban sa iligal na droga.
“If that problem outlast me for whatever reason, mamatay ako, matanggal o ano sa buhay na ito. Sinabi ko sa inyo at sa mga opisyal do not abandon it, resolbahin ninyo ang problema na ‘yan kasi sisirain ang Pilipinas para tayong ini-invade na pinakain, nakalulong, yayariin tayo…,” dagdag nito.
Inihayag ni Presidente Digong na bibigyan nito ng kopya ng listahan ang mga pulis at militar.
Ipinauubaya na, aniya, sa security forces ng bansa kung ano man ang dapat gawin.
“Magdasal lang sila na hindi ako mabuwang kasi ‘pag ako ang nabuwang ako na ang magdala ng M-16…ubos lahat ‘yan tapos ang problema natin…ginawa talaga tayong luko-luko…” ani Duterte.
Obvious naman ang mga judge natin sa Pilipinas na nababayaran ang ating batas lalo-lalo nayong Maguindanao Masacri pinalabas kasi nag bayad, yong kaso kay Actor Vhong Navarro nagbayad laya ang mga suspects. Ang batas natin sa kay Aquino Administration ay para lang sa may pera pag ikaw maykaso na walang pera bubulok ka sa kulungan.
iyan ang dapat sampulan, malaking isda iyan ksi halos dilis ang nasasampulan.
may God be with you PDigong. Continue the long due clean-up.
napakatalamak na pala talaga ng kabuktutan sa gobyerno. imagine kung nanalo ang dilawan, tuloy ang pamamayagpag ng mga hayop na protektor at pusher! sige sila sa pagkakamal ng salapi habang binibilog nila ang ulo ng maraming pilipino. mga walang hiya, mga walang kwentang nilalang!
Yang mga listahan na yan,sana lahat ng nandyan ay talagang mga involved sa droga,hindi lang porket kalaban sa politika o kontra sa mga ibang pagimplement ng war against drug eh.isasama na sa listahan…yong totoo lang talaga..
adik ka ba? polido lahat yan at kungkreto, hindi yan gawa gawa lamang! may dignidad ang pangulo, hindi sya yung taong kagaya mu.
Hindi rin kasi masasabi na 100% sure .. natatandaan mo Yung unang listahan na inilabas niya.. Yung iba doon ay PATAY NA .. ibig sabihin habang nasa hukay ay shabu pa rin ng shabu?? wala akong pinapanigan.. nasa panig lang ako ng BANSA natin na dapat maging maayos dahil ako ay isang PILIPINO !!
tignan mo itong gagong to..sagot nanaman adik ka ba?Retarded na Dutertards ka talaga..anong dignidad?ilang beses ng nagmura kahit sa Papa,at si Obama,yan ba ang dignidad,kaya pati ikaw eh bastos kasi siya ang idolo mo,,kung sinu-sino ang mga nasa listahan nya,tulad noon pati patay na tao nasa listahan nya,kaya ikaw huwag masyadong bilib sa gagong presidente mo,dahil magaling magimbento ng akusasion yan,baka pati ikaw nasa listahan na..gago..bwahahaha