Tatlong quarters na nakipagpukpukan ang Phoenix Suns, pero nang mag-take over sina Russell Westbrook at Dennis Schroder sa fourth ay kumaripas ang Oklahoma City Thunder sa 118-102 panalo.

Umiskor si Westbrook ng 40 – 15 sa final 6 ½ minutes ng laro. Nilista naman ni Schroder ang 14 sa kanyang 20 points sa fourth at tinapos ng Thunder ang two-game skid kahit wala si Paul George (right quad contusion).

Umayuda ng career-high 18 points si Abdel Nader sa Oklahoma City.

Nagsumite si Devin Booker ng 25 points at 10 assists sa Suns, lamang pa ng tatlo pagkatapos ng three quarters pero na-outscore 37-18 sa fourth.

Umayuda pa si TJ Warren ng 19 markers, may 16 si Deandre Ayton sa Phoenix.

“That’s a very winnable game for us,” ani Booker. “We just let it slip.

That team’s been together a long time. They know what it takes to close out games. We’re still learning.”

Winalis ng Thunder ang four-game season series kontra Suns.

Nagtuhos si Schroder ng 10 points kabilang ang dalawang 3s sa decisive 17-2 fourth-quarter run na nagbigay sa OKC ng 102-88 lead 6:09 sa laro.
Tinapos ni Westbrook ang pasabog sa isa ring 3 at hindi na nakaporma ang Suns. (VE)