Tiyak na makakaapekto sa target na pataasin ang tourist arrival dahil sa malaking kaltas sa 2017 budget­ ng Department of Tourism (DOT).

Ito ang nababahalang pahayag ni House Minority­ Leader Danilo Suarez.

Noon umanong nakaraang taon ay P3.61 bilyon ang budget ng DOT ngunit sa 2017 proposed budget ay P2.457 bilyon na lang, bumaba ng halos 40%.

Nabatid na ang malaking bawas sa DOT budget ay sa Office of the Secretary na nasa P800 milyon.

Ayon kay Suarez na tila napag-iwanan ang DOT, halos lahat umano ng mga ahensya ng gobyerno ay tumaas o na-retain ang alokasyon.

Nangangamba ang mambabatas na kung tatap­yasan nang malaki ang budget nito ay mapag-iiwanan­ din ang promosyon ng turismo sa bansa.

Hinimok pa ni Suarez ang kapwa mambabatas na tulungan ang DOT para mabigyan ito ng tamang alokasyon lalo at malaki umano ang maitutulong sa ekonomiya kung makukuha ang target na tourist­ arrival.

Mahalaga rin umano na mai-promote ang Pilipinas­ sa mundo at ang DOT ang dapat ­mangasiwa nito sa tulong na rin ng tamang ­budget.