Batay ito sa ulat ng Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) ng MMDA kaugnay ng isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay mula Enero 27 hanggang Mayo 17 ngayong taon.

Kasama rin sa isinailalim sa paglilinis ang Estero San Antonio de Abad, Tripa De Gallina, Padre Faura Drainage Main, Remedios Drainage Main at iba pang estero na nakakonekta sa Manila Bay.

Sinimulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay noong Enero 27 sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources at isinabay na rin ang paglilinis sa mga estero na dumadaloy dito.

Ayon kay FCSMO chief Baltazar Melgar, nasa 250 tauhan ng ahensya ang naglilinis sa mga estero na dumadaloy patungo sa Manila Bay gamit ang mga heavy equipment katulad ng backhoe, barge, motorized banca, mobile crane at dump truck. (Armida Rico)