400K premyo sa Bos Alex Summertime Derby — Tobias

Susugod ang mga sabungero sa air-conditioned Las Piñas Coliseum para sa “Bos Alex Summertime 4-Cock Derby” na may 140 sultada ngayon.

Aabot sa P400,000 ang premyo dahil sa dami ng entries, ani coliseum manager Alex Tobias, ang derby host, kahapon.

Maagang sisimulan ang laban na tinatayang walong sultada kada oras at siguradong ikakasa lahat ng parada, pahabol naman ni LPC llamador Cris Villanueva.

Bukod sa aircon units sa 80 cockhouses at aircon sa loob ng sabungan, ang LPC ay mayroon na ring three-level parking area na kasya ang 200 kotse.

Pambato rin ng LPC ang Silver Mallet and Boss Raymond 2-Cock Derby sa May 8 na pagkakaabalahan nina Jojo Marquez at Raymond Montalbo, at ang “Mam Budjit 3-Cock Derby” sa May 29.

Kontakin lamang sina Grace 1, Grace 2 at Julius sa 873-1040, 0929-1800960, 0939-1376455 o 0915-3582076 para sa iba pang mga detalye.(Enjel Manato)