42K naipit na OFW uuwi na

Pauwi at inaasahang darating na sa bansa sa susunod na buwan ang tinatayang naipit na 42,000 Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay sa kabila nang marami pang OFWs ang stranded sa iba’t ibang quarantine facilities sa bansa.

Ang mga OFWs ay pinabalik sa bansa ay iuong nasuspindeng kontrata dahil sa naganap na COVID19 pandemic.

Ayon kay Bello,isang malaking hamon sa pamahalaan ang pagbalik ng napakalaking bilang ng OFW sa bansa.

Nalaman na may 24,000 na OFW ang napauwi na sa kani-kanilang lalawigan matapos sumailalim sa 14-day quarantine period.

“This number is a combination of stranded workers due to the COVID-19 pandemic, workers who lost their jobs due to the crisis and couldn’t return home immediately, and those who recently ended their job contracts abroad,” ayon kay Bello. (Juliet de Loza-Cudia)