Natapos na ng 48 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang 14 – araw nilang mandatory quarantine sa barkong nakadaong sa Pier 15.
Sa 48 bilang dito’y labingpito (17) na ang nakauwi sa kanilang pamilya matapos silang maisyuhan ng quarantine clearance.
Ang iba pang nakatapos na ng quarantine ay sasailalim muna sa Rapid Test sa COVID-19 pero iisyuhan na rin ng clearance para makauwi.
Ang coast guard naman ay magbibigay ng libreng transportation service sa mga ‘cleared’ overseas Filipinos na kinakailangan ng tulong para makauwi sa kanilang pamilya. (Mina Aquino)