Pumalo na sa 49 katao ang inaresto ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa social media hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagiging dahilan umano ng panic ng sa publiko.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, simula Marso 9 hanggang Abril 13, nakapagsampa na ang PNP-ACG ng 24 na kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa facebook at iba pang social media kung saan 47 katao ang naaresto, habang dalawang iba pang online scammer ang kanila pang nadakip na responsable sa face mask scam scheme.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Unlawful Use of Menas of Publication and Unlawful Utterances sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code (online libel), at Section 6ng RA 10175 o ang Anti Cybercrime Law kung saan may nakalaang kulong ng 1 hanggang 6 na buwan at multang mula P40,000 hanggang P200,000.
“They could also be punished under the Cybercrime Prevention Act of 2012. They can also be held liable for violating Presidential Decree No. 90, which declares rumor-mongering and spreading false information as unlawful, which may cause or tend to cause panic, divisive effects among the people, and undermine the stability of the government,” dagdag pa ni Banac.(Edwin Balasa)