4B tinapyas sa DSWD ibabalik ni Loren

Sinuportahan ni Senadora Loren Legarda ang hinirit na amyenda sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para dagdagan sa ilalim ng 2019 national budget ang pondo ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).

Sa diskusyon ng Senado sa panukalang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ipinahayag ni Legarda ang pagkabahala nito sa tinapyas na budget sa SLP ng DSWD para sa taong 2019.

Tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget ng DSWD SLP dahil sa low utilization of funds ng prog­rama sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Legarda, maaari ring maapektuhan ng cut ang pagpopondo ng ahensiya sa administrative at personnel support gayong nauna nang tinamaan ng cut ang mga memorandum of agreement (MOA) service worker na nangangasiwa sa implementasyon ng SLP.

“There is a request from the DSWD for an additional fund of P4 billion. This is for prog­ram grants that were cut in the National Expenditure Program (NEP) and the Gene­ral Appropriations Bill (GAB) due to low utilization of funds in previous years. This will also include funding for administrative and personnel support because thousands of MOA service workers who implement the SLP have already been affected,” sabi ni Legarda, chair ng Senate committee on finance.

Pagsusumikapan naman aniyang ipag­labang maibalik ang DSWD SLP budget sa pagpapatuloy ng bicameral conference meeting sa P3.7 tril­yong national budget.