4Ps ok na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado sa third and final reading ang panukalang kikilala sa Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps) bilang isang regular po­verty reduction program ng gobyerno para sa mahihirap na pamil­yang Pilipino.

Ang Senate Bill No. 2117 ay nakakuha ng 18 votes, zero negative vote at no abstention.

Layon ng 4Ps na tulungan ang mga mahihirap na pamilya na maging self-sufficient sa pammagitan ng pagbibigay ng sustained income at livelihood opportunities.

Dito, pagkakalooban ang mga benepisyaryo ng conditional­ cash transfer sa loob ng pitong taon upang mapabuti ang kani-kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang siyang manganga­siwa sa pagtukoy ng halaga ng conditional cash transfer na igagawad sa mga benepisyaryo.

Nasa P600 hanggang P750 kada buwan ang iaabot na tulong pinansyal para makasabay ang mga mahihirap sa inflation at matugunan din ang kani-kanilang basic health and nutrition needs.

Karagdagang P500 hanggang P700 naman kada buwan ang igagawad na conditio­nal cash transfer para sa mga mahihirap na kabataang nag-aaral sa day care center.