OAKLAND — Pasabog si Stephen Curry ng 35 points at nagbaon si Kevin Durant ng 30 para galamayin ang Golden State Warriors sa pagtabig sa maangas na kasa ng Portland Trailblazers at umibabaw, 125-117, sa 71st NBA 2016-2017 season elims game nila Hwebes (Manila time) sa Oracle Arena rito.
Nakaabante ang Warriors ng 13-point sa early second quarter pero nakapagpasiklab ang Blazers ng 22-6 run late sa period sa likod ni CJ McCollum para makuha ang slim 71-69 edge sa break maski wala pa si injured star Damian Lillard.
Sabwatan sina Curry at Durant pagkaraan sa nine points sa 12-3 start ng Warriors upang makontrol ang second half, 81-74. Dinyeta ng GSW si McCollum sa two markers sa third makaraang makaiskor ng 26 bago ang break, habang kuminang si Curry ng 12 sa period para sa pagtangan ng Warriors sa 99-92 lead pa-fourth.
Nakalapit ang Portland sa five sa early fourth pero naging steady ang Golden State’s bench hanggang balikatin ulit nina Durant at Curry ang kanilang kampo na makalayo ng 13, 123-110, sa last two minutes ng match. Nagbanta pa ang Blazers sa eight sa over a minute left sa play pero ang crucial steal ni Draymond Green ang sumeyo sa Warriors’ fourth straight win.
Si Durant ang halos bumasag sa morale ng kalaban sa first half, sa 21 points bago mag-break, habang nagliyab si Curry tapos ng halftime sa 19 na kanyang total output sa final two quarters. Nangapa si Klay Thompson sa field sa 5-of-15 shooting pa-14 markers, habang nag-ambag si Zaza Pachulia ng 13.
May isa pang all-around game si Green sa nine points, 11 assists, seven rebounds at three steals, samantalang naka-best scoring game sapul noong November si Curry para mapasan ang pag-angat ng Warriors sa 31-5.
Gulong ang Blazers sa 15-22 maski six players ang mga nakakayod ng double figures, na pinamunuan ni McCollum sa 35 points. Nagdagdag si Allen Crabbe ng 18 markers, habang naka-double-double si Mason Plumlee na may 16 points at 10 rebounds.