5 3×3 World Tour inurong ng FIBA

Limang event ng International Basketball Federation (FIBA) sa 2020 3×3 World Tour ang na-reschedule dahil sa patuloy na nagaganap na COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ng FIBA na ang Masters competitions sa Doha, Manila, Chengdu, Mexico City at Utsunomiya ay hindi na matutuloy sa plano dahil sa patuloy na paglawak ng sakit at papataas pa na international concern ng coronavirus disease.

Unang tinakda ang Manila at Chengdu Masters sa Agosto 15-16 at Oktubre 17-18. Hinahanapan pa ng bagong petsa ang mga torneo sa Doha, Manila at Chengdu. Isa-dalawang buwan ang malamang na pagkaantala ng mga ito.

Ang FIBA 2020 3×3 World Tour ay may 13 Masters events bago ang finals sa Riyadh sa Nobyembre, nakatakdang magbukas ito sa Prague sa Aug. 1.

Limang Masters ang isasagawa sana bago ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo na nausog na sa 2021 dahil sa panganib ng virus.

“FIBA will continue to monitor the COVID-19 situation on a daily basis and evaluate the options for the lifting of the suspension of competitions when the situation allows for it,” sabi ng FIBA. (Lito Oredo)