Tinatayang aabot sa P5.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga miyembro ng Regional police Drug Enforcement Group sa isang 19-anyos na senior high school student sa buy-bust operation sa Brgy. Sawang Calero, Cebu City, kahapon nang hapon.

Nakuha mula kay Joseph Bacalla, estudyante, residente ng Sitio Punyang, Brgy. Duljo Fatima ang malalaking sachet ng iligal na droga, habang nakatakas naman ang kasabwat nito na nakilala lamang sa alyas na ‘Agi’.

Sa nakalap na ulat, idiniin ni Bacalla na wala itong kaugnayan sa iligal na droga na mula kay Agi, nakitulog lamang umano ito sa nirenta­hang kuwarto ng isa pang suspek.

Ngunit sa impormasyon ng pulisya, luma­labas na kabilang ang pangalan ng estudyante sa mga pahayag ng iba pang tulak na una nang naaresto.

Inaalam na ng pulisya ang pinanggalingan ng droga na nakuha sa nasabing operasyon gayundin ang pagkakakilanlan ng kasamahan ng nadakip na suspek.