Limang hinihinalang Abu Sayyaf ang nadakip ng pulisya sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Hermosa Festival sa Zamboanga City kahapon.

Hindi pinangalanan ng pulisya ang mga nadakip dahil sa patuloy na imbestigasyon na pawang nasa-20 pataas ang mga edad.

Nabawi sa kanila ang tatlong granada, cal. .45, apat na magazine, tatlong rolyo ng time fuse, da­lawang blasting caps, labing-dalawang baterya ng cell phone at 2 motorsiklo.

Nabatid na nag check-in sa Room 207 ng Atilnao Pension House ang mga suspek sa pangalan ni Alfad Fahad Kulayan at nalambat sa parking area ng Brgy. Canelar.

Ayon sa pulisya, mga tauhan umano ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ang mga suspek at galing sa Sulu province. Dalawa sa kanila ay informant diumano ng Abu Sayyaf sa Z­amboanga.