5 Aurora exec sinuspinde sa katiwalian

Itinigil na ng Sandiganbayan 6th Division ang argumento sa kaso ng lima na kasalukuyang opisyal ng Aurora na ginawaran ng 90-araw na suspension kaugnay ng kasong katiwalian sa isang road project noong 2014.

“It is well-settled that preventive suspension under Section 13 of R.A. No. 3019 is mandatory,” sabi ng anti-graft court sa kanilang resolusyon na ipinalabas noong October 22.

Noong Setyembre 24, nagsampa ng mosyon ang limang opisyal na sina Provincial Administrator Simeon De Castro, Provincial General Services Offi­cer Ricardo Bautista, Assistant Provincial Engineer Benedicto Rojo, and Bids and Awards Committee members Norma Clemente at Isaias Noveras, Jr., para iapela ang ipinataw na suspension order laban sa kanila
Ayon sa kanilang mosyon, hindi na akma ang ipinataw na suspension dahil hawak na ng prosekusyon ang a lahat ebidensya sa kanilang kaso para sila i-prosecute.

Inirason pa nila na walang indikas­yon na tinangka nilang saktan o i-harass ang mga witness dahil wala silang kapangyarihan para gawin ito.

Ipinaliwanag naman ng korte na ang ipi­nataw na preventive suspension ay naayon sa batas dahil pawang mga public official ang mga ito at may kasong graft o katiwa­lian. (Yves Briones)