5 barangay sa Pasay naka-EECQ

Nakasailalim ngayon sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) ang limang barangay sa Pasay City nang makapagtala ng pitong kaso ng coronavirus.

Pinakabagong nadagdag sa talaan ng EECQ ay ang Barangay 183 kung saan mananatili hanggang June 7, 2020 ang pagpapairal ng EECQ.

Lumalabas na kaya ipinatupad ang mahigpit na quarantine sa limang barangay ay dahil na rin sa ipinalabas na memorandum ni City Administrator Dennis Acorda, kung saan inabisuhan ang pamunuan ng Barangay 183, Liga ng mga Barangay, Pasay Police at DILG na ang naturang barangay ay may 7 kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng EECQ, tanging ang mga residente lamang na walang PUIs at PUMs sa kanilang bahay ang papayagang makalabas para bumili ng pangunahing pangangailangan.