Isinailalim sa state of calamity ang limang bayan sa North Cotabato dahil sa nararanasang init dulot ng El Niño phenomenon.
Tinukoy ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang apektadong bayan, ito ang Alamada, Aleosan, Mlang, Tulunan at Pikit
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, (Pagasa) kabilang ang nasabing lalawigan sa nakakaramdam ng mababang tsansa ng pag-ulan at tagtuyot.