Limang coastal area sa bayan ng Pangasinan ang kinokonsiderang ‘red tide-free’ na base sa bagong laboratory analysis na ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay BFAR-­Region 1 officer-in-charge Segundina Gaerlan, ang mga bayan na red tide-free ay ang Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda at Sual, lahat sa Pangasinan.

Ayon kay Gaerlan, wala nang red tide toxin sa karagatan base sa isinagawang shellfish laboratory test noong Hunyo 5.

“Shrimp, crabs and seashells like mussels and oysters gathered from the coastal areas from Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda and Sual in Pangasinan are free from toxic red tide and are safe for human consumption,” ani Gaerlan.