5 bodega sa Bulacan pinadlak sa tax violation

Limang warehouses sa Bulacan ang pinadlak ng Bureau of Internal Revenue kahapon dahil sa tax violations.

Ang limang bodegang isinara ayon na rin sa Department of Finance (DOF) ay ang Cagayan Corn, Pacific Rim, UPFC Logistics, AAI Logistics, at JCOMP Trading.

Sinasabing nilabag ng mga ito ang mga requirement ng BIR o ang hindi pagpapaskil ng limang requirements nito partikular na ang annual registration fee, payment form, original certificate of registration, at ang poster na nagsasabing ask for receipts o notice to the public.

Ang mga ito ay magkakasama sa isang complex sa T12 Commercial Complex sa Ilang-Ilang St. Barangay Tabang sa Guiguinto, Bulacan.

Ang closure order ay pinirmahan ni BIR Deputy Commissioner Arnel SD Guballa. (Eileen Mencias/Yves Briones)