Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Custom (BOC), ang kahon-kahong gamot para umano sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19) na nagkakahalaga ng P40 milyon sa isang bodega sa 2239 Singalong, Malate, Maynila.
Nabatid na ang mga nasamsam na gamot ay hindi rehistrado sa Food and Drug adminstration (FDA).
Ayon sa NBI may tatlong araw silang nagsagawa ng surveillance bago sinalakay ang nabanggit na bodega.
Galing umano ang mga ito China na binebenta sa P200 hanggang P300 kada capsule.
Nabatid ng NBI sa tatlong naarestong Chinese national na hindi pa pinangalanan, na aprubado umano sa China FDA ang nabanggit na gamot pero hindi ito naparehistro sa Pilipinas dahil inabutan ng lockdown.
Sinabi ng NBI na posibleng ibebentan ang mga gamot sa online.
Kaugnay nito, sinabi ni Rowel Baricawa, secretary ng Brgy. 724 Zone 79, isang Chinese national umano ang umuupa sa bodega at may limang araw pa lamang umano itong nag-ooperate.
Sinabi ni Baricawa na humihingi ng permit ang umuupa ng warehouse pero wala umano itong maipakitang kinakailangang dokumento kaya hindi inisyuhan ng permit.
Ayon kay Lt. Col. Samuel Pabonita ng BOC
Samantala, ayon kay Lt. Col. Samuel Pabonita, may nagbigay umano ng impormasyon sa BOC na may misdeclared personal effect sa nabanggit na bodega kaya nakipagkoordinasyon sa NBI.(Juliet de Loza-Cudia)