5-day processing ng passport umpisa na

passport

Simula ngayong araw, Agosto 15, makakatanggap ng bagong “high-security passport” ang mga Filipino na gustong mangibang-bansa, ayon sa Malacañang.

Ang bagong passport na naglalaman ng impresibong disenyo ng bawat rehiyon ng bansa ay makukuha rin ng aplikante sa loob ng limang araw.

Upang hindi mapeke, naglalaman ito ng “intaglio printing” na karaniwang ginagamit sa pag-imprenta ng salapi “and the printing of the coat of arms using optical variable illusion ink where color varies at different angle”.

May karagdagang security features din ang pasaporte tulad ng microchip na naglalaman ng personal data ng applicant, invisible UV fluorescent ink at thread at elaborate design kapag pinailawan ng UV light.

Tiniyak pa ni PCO Secretary Martin Andanar na hindi na magkakaroon ng problema sa pag-imprenta ng pasaporte.

“The new APO printing system increases the production speed of the new passports to 35%,” paglalahad ni Andanar na ang tanggapan ay siyang namamahala sa APO Production Unit, Inc.

“This means the new passport printing system results to delivery of passports from press to the Department of Foreign Affairs (DFA) to an average of 5 days compared to 7-14 days previously,” pagtiyak ni Andanar.