Limang estudyante ang umano’y na-food poison matapos kumain ng siomai sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Miyerkoles ng gabi.
Ayon kay Bagao Mayor Joan Dunua, hindi agad nakauwi ang limang estudyanteng miyembro ng cheer dance kasama ang kanilang team matapos mag-perform kasabay ng kapistahan ng Baggao dahil sa pag-apaw ng Abusag overflow bridge.
Dito, nagpalipas ng gabi ang team sa barangay hall ng Brgy. Paranan nang lumabas ang limang estudyante para kumain ng soimai sa kalapit na tindahan.
Nagulat na lamang umano ang guro at coach nang biglang mamilipit sa sakit ng tiyan ang isa niyang estudyante na sinundan ng apat.
Agad na dinala sa ospital ang lima na hanggang ngayon ay patuloy na inoobserbahan dahil nanghihina at patuloy na nagtatae. (Allan Bergonia)