Patay ang target na drug pusher at dalawang kasamahan na nagtangkang tumulong sa una sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa drug buy-bust operation sa Quiapo, Maynila kahapon.

Alas-5:20 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station 3 ng MPD kung saan ay nakahalata umano ang pusher na nakilala sa alyas na ‘Acrobat Danny’, at dalawang ‘di kila­lang kasama nito, pawang nakatira sa Room 404-4 Vergel de Dios Building, Evangelista St., Quiapo kaya bumunot ng baril ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng tatlo.

Dalawa naman ang napaslang sa magkahiwalay na lugar Pasig City kamakalawa ng gabi.
Unang napatay ng hindi pa kilalang mga suspek na riding in tandem si Rodrigo Rebadulla, 53, matapos itong malapitang pagbabarilin sa kahabaan ng Pilapil St. sa Barangay Sagad, alas-9:15 ng gabi.

Ilang minuto ang nakalipas ay pinagbabaril si Edwin Sumilang, 34, emple­yado ng Pasig City Environment and Natural Resources Office.