Hinambalos ng Creamline Cool Smahers ang BanKo Perlas 25-12, 25-19, 25-16 para sa ikalimang kabit na panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference Sabado sa San Agustin Gymnasium sa Iloilo City.

Sa pagkakapanalo ng Creamline diretso na semifinals ang PetroGazz tangan ang malinis na 6-0 na baraha habang sigurado na rin sa playoffs ang Cool Smashers.

Nagtulungan sa Cool Smahers ang Colombian import na si Aleoscar Blanco at Thai import Kuttika Kaewpin, maging sina Alyssa Valdez at Michelle Gumabao.

Simula pa lang ay pinadama na ng Cool Smashers ang kanilang dominasyon at championship experience nang tambakan nito sa first set ang Perlas Spikers hanggang sa kontrolin nito ang dalawa pang sumunod na set.

Hindi nagamit ng Perlas Spikers bilang bentahe ang bagong import nito na si Suddata Chewulim mula Thailand, kapalit ng American hitter Kia Bright. (Fergus Josue, Jr.)