5 mayor na palpak sa cash distribution sa Central Visayas pinagpaliwanag ng DILG

Maglalabas ng show-cause order ang Department of Interior Local Government (DILG) para sa limang mayor sa Central Visayas para pagpaliwanagin sila sa naging palpak na distribusyon ng Special Amelioration Program (SAP).

Kasama ang limang alkalde sa 43 iba pang mayor sa bansa na hindi natapos ipamahagi ang SAP.

“DILG Secretary Eduardo M. Año that these 43 local chief executives (LCEs) will be made to explain why they had poor performance despite the two (2) extensions of the deadline given to local government units (LGUs) with the latest deadline ending on 12 midnight of May 10,” ayon sa DILG.

Ayon pa sa departamento, 97 porsyento ang natapos na sa pamimigay ng cash aid sa mga nangangailangan. Pero sa kabila nito, may 43 local government unit umano ang hindi natapos sa pamamahagi.

“11 of these mayors are from Western Visayas, eight from Mimaropa, five in Central Visayas, four in the Davao Region, and four in the National Capital Region (NCR),” sabi ng DILG.

Kabilang din sa pinatawag ng DILG ang tig-dalawang alkalde mula sa locos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao at isa naman sa Central Luzon.