5 menor de edad nag-pot session sa kalsada

Arestado ang limang hindi na pinangalanang menor de edad matapos maaktuhang nagpa-pot session sa kalsada ng Barangay Sta. Barbara, Zambonga City, Sabado nang madaling-araw.

Sa report ng Zamboanga Police, nagsasagawa ng foot patrol ang pulisya nang mamataan ang grupo ng kabataan sa madilim na bahagi ng Barangay Sta. Barbara, Sabado nang madaling-araw.

Agad ang mga itong sinita subalit isa-isang nagtakbuhan gayunma’y nalambat din ang lima.

Nakumpiska mula sa kanila ang ilang piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at agad na dinala sa pulisya para sa imbestigasyon at binalaan ang magulang ng mga ito. (Vick Aquno)