Arestado ang limang miyembro ng bamdamme armed group, notoryus na nagbebenta ng baril, kabilang pa ang isang isang menor de edad, sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City.
Kinilala ang suspek na sina Emmanuel Magos, 27; Reymar Velasco, 26; John Cedric Largo, 18; Reggie Cuevas, 18; at ang 16-anyos na binatilyong itinago sa pangalang ‘Arnold’, pawang mga residente ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya alas-dos Sabado ng hapon nang magkasa ng operasyon ang pinagsamang puwersa ng Navotas Police at operatiba ng District Special Operations Unit sa Brgy. NBBS.
Isa sa mga pulis ang nagkunwaring buyer ng cal. 9mm pistol ng halagang P6,000. Makaraang iabot ni Velasco ang nasabing baril sa parak, dito na sila dinampot ng mga kasamahan nito, na nasa lugar ng bentahan.
Nakuha rin kay Velasco ang pitong plastic sachet na may lamang shabu na umaabot sa 54 gramo na may street value na P200,000. Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Omnibus Election Code of the Philippines at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.